Talas Mata | Mata Talas
- December 09, 2023 - January 06, 2024
Modeka Creative Space -
On Site Exhibition
Naka-anggulo ang titig
Sa hiwa ng himpapawid
Kung saan nalalagas
Ang tipak-tipak na liwanag:
Pumarito ka kung saan
Ang mga aninong gala
Ay namamahinga
At nagpapatay ng oras.
Hawiin ang lumbay
Ng pag-iisip
At isilid sa pinakatago-tagong
Sulok ng puso.
Maaari mo nang hubarin
Ang bigat ng katawan
At malaong isabit
Sa angkla ng sanga.
Wala ka bang naririnig?
Mga yabag iyon
Ng mga ninunong
Bitbit ang kanilang pamana.
Matagal nang nananaig
Ang kasamaan sa mundo.
Ang kailangang sandata
Ay ang pagkabuo ng loob.
Tumangis kung maaari.
Ang mga luhang papatak
Ay magiging bulaklak
Na hahalakhak sa labi.
— Tula ni Carlomar Arcangel Daoana